h1

In case you missed this episode (’cause I did, too), read on…

September 11, 2006

(Apologies to those who don’t understand Filipino, the Philippines’ national language. It will just be an ordeal for me to translate this entire transcript to English.)

THE CORRESPONDENTS
Isang araw ng Agosto
“Tagas”
Itinanghal Agosto 29, 2006

ANG nakaraang oil spill sa Guimaras ang pinakamalala sa ngayon sa kasaysayan ng Pilipinas dahil hindi masukat ang pinsalang idinulot nito.guimaras5.jpg

Sa isang iglap, nagbago ang hitsura ng Barangay Tando sa Nueva Valencia, Guimaras.

Dating kumikislap ang buhangin at tubig rito.

Tandang-tanda pa ni Lory Gabitu nang magising siyang halos lumalangoy sa langis ang kanyang bahay.

“Pag-abot ng bunker, nagtaka kami kung ano ang namamaho. Biglang gas pala ang naula…pagkababa ko, nagulat na lang ako na may nangitim sa tubig,” ani Lory.

Panangga ng malalaking hampas ng alon ang mga sako sa harapan ng bahay ni Lory.

Pero noong kinaumagahan ng ika-12 ng Agosto, naisalba sila ng mga ito mula sa tone-toneladang langis na dala ng high tide.guimaras2.jpg

Umabot pa rin hanggang binti ang lanigs sa loob ng bahay ni Lory.

Mabuti na lang daw at agad nakatakbo ang kanyang walong maliliit na anak.

***

Ika-11 ng Agosto, bumibyahe ang M/T Solar 1 oil tanker mula Bataan patungo sana sa Zamboanga City dala ang mahigit sa dalawang milyong litro ng bunker oil.

Ang barko ay pag-aari ng kompanyang Sunshine Maritime habang ang 13,000 bariles ng langis ay mula naman sa Petron.

Dakong 4 p.m., nang magkaproblema habang minaneobra ng kapitan ang barko sa Iloilo Strait, Bigla umanong pinasok ng tubig ang chain locker ng barko.

Pagkatapos nito, unti-unti na itong lumubog.

Bago pa ito pumailalim, tinatayang may 300,000 litro ng langis ang tumagas mula sa barko na siyang kumalat sa karagatan ng Guimaras at nakaapekto sa may 22 barangay sa baybayin ng Nueva Valencia.

Ang tinatawag na “mother spill” ay may lawak na 19 kilometro at kumalat paakyat ng Guimaras at Iloilo.

Noong Agosto 27, ang oil spill ay may lawak nang 58 kilomtero, kasing layo ng Maynila sa Angeles, Pampanga.

Ang Barangay Tando ang isa sa dalawang pinakamalala na pinasok ng oil spill.

Sa pagtungo ng mga mamamahayag sa barangay, naabutan nila ang mga residente na pinupunasan ang langis sa mga bato ng baybayin.

Mano-mano kung tanggalin nila ang nakadikit na krudo gamit ang mga absorbent pads na bigay ng Petron.

(For the full story, click The Correspondents, Aug. 29, 2006.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: