h1

Likidong panglinis ng oil spill sinubukan sa Guimaras (Liquid cleanser for oil spill tested in Guimaras)

September 11, 2006

POSIBLE na raw na hindi na kailangan pang hakutin ang mga basura dulot ng oil spill dahil may solusyon na ang mga dalubhasa mula sa bansang Japan. (It may be possible to do away with removing sludge and garbage created by the oil spill in Guimaras, as Japanese experts arrived yesterday offering a solution.)

Sa Barangay Tando, Nueva Valencia, na apektado ng oil spill unang dumaan ang ocean environmental engineering team ni Prof. Kenji Hotta ng Nihon University sa Japan. (An ocean environmental engineering team led by Prof. Kenji Hotta of the Nippon University in Japan first stopped at Brgy. Tando, Nueva Valencia, which has been affected by the oil spill.)

Bitbit ng mga Hapon ang “Jas Coat” na kaya umanong maglinis ng kontaminadong buhangin at bakawan. (The Japanese brought containers of “Jas Coat”, which they claimed could clean the tainted sand and mangroves.)

Nang subukan nila ito sa maitim na bakawan, napanganga sa bilib ang lahat dahil sa isang iglap naibalik ito sa normal na kulay. (When they tested it on the blackened mangroves, these returned to their normal color, much to the surprise of those watching the experiment.)

Pati tubig-dagat, kaya nitong tanggalan ng langis. (Even the seawater was cleansed of the oil slick.)

Ang Jas Coat ay gawa sa wooden ash o abo na galing naman sa paper sludge. (Jas Coat is made of wooden ash or ash which came from paper sludge.)

Bukod sa langis kaya rin nitong burahin ang mantsa sa heavy metals at boron sa lupa at buhangin. (Aside from oil, it can also remove stains on heavy metals and boron in the soil or sand.)

Subok na rin daw ang kemikal sa ibang bansa. (The chemical has supposedly been tested already in other countries.)

Kabilang sa nag-obserba sa testing ng Jas Coat ang kinatawan ng Philippine Coast Guard at Petron. (Among those who observed the Jas Coat test were representatives of the Philippine Coast Guard and Petron Corp.)

Pero kailangan pa raw nila itong isangguni sa Department of Science and Technology at sa Marine Environmental Protection kung ligtas itong gamitin na panglinis ng oil spill sa Guimaras. (But the representatives said they still have to consult with the Department of Science and Technology as well as the Marine Environment Protection Group if the chemical is safe to use in cleaning the oil spill in Guimaras.)

(From ABS-CBN News, Sept. 10, 2006.)

Advertisements

One comment

  1. sana nmn d na ulit mangyari itong malking skuna na ito..>>

    nakakatakot kc e!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: